Cherry Mobile Flare Black Screen After Reboot?


Rebooted your Cherry Mobile Flare S100 and got stuck after the cherry mobile logo animation? Got stuck with a black screen and a back light? Pareho po tayo nang naranasan. :) Hehehe.  Buti nalang nakahanap ako ng solusyon.

Cherry Mobile Flare S100 rooted po yung phone ko. Kaibigan ko nagroot ng phone ko kasi di ako marunong. Wala rin ako nung nagroroot sya ng phone ko kaya di ko alam mga ginawa nya at mga nilagay nya sa phone ko. Matagal na rin naman na-root phone ko mga mid-year 2013 pa. Nagkataon po na naglilinis ako ng mga files ko sa SD Card. Tapos may mga na-delete akong files na di familiar sakin. Tapos ok pa naman po yung phone. Then one time, I installed iFont and changed my font para maiba naman sa paningin ko yung phone ko. Then kailangan po nyan magreboot, after nya magreboot, stuck na sya sa black na screen pagkatapos ng cherry mobile logo. I tried changing my font before and it worked without any problems. Kaya naisip ko baka sa mga na-delete kong files. Then ginawa ko, hard reset/factory reset ko yung phone ko. Pero wala pa rin nangyari. Ganun pa rin, black screen lang after ng cherry mobile logo animation. Nawalan na ko ng pag-asa na maayos pa sya. Gagawa na sana ako ng video sa youtube kung pano ko aayusin yung phone, tapos may twist. Hahaha. Since di sya maayos, pupukpukin ko ng martilyo hanggang sa magkapirapiraso.


Pagkalipas ng ilang oras, naisipan kong i-charge, ok naman sya. Ni-reboot ko ulit ok naman sa animation kaso stuck lang pagkatapos nun. Wala talaga ako idea sa mga smartphones. Pero naisip ko sa computers, pag ganun nangyayari sa laptop ko, ibig sabihin, nagkaproblema yung operating system ko, or sira yung operating system. Kaya yung ginagawa ko nun, nirereprogram ko. Tapos ok na ulit. Kaya ganun din ginawa ko sa cell phone. Kaso san ako hahanap ng Software nya? Naalala ko, nagpost yung cherry mobile sa website nila dati ng update for Cherry Mobile Flare S100. Sa update na yun nandun yung Radio app saka fix para sa gyroscope yata. Buti nalang na-save ko pa yun. Kaya ginawa ko, ininstall ko yung update na yun. After install, reboot daw. Kinakabahan ako hahaha. Tapos ang tagal sa black screen. Inisip ko, wala din epek. Pinabayaan ko sya sa tabi. Tapos maya maya, lumabas na homescreen! Tapos mga instructions pagkabago ang phone. Successful yung ginawa ko! Gumana na ulit yung phone ko.

Kung nangyari na din to sa inyo at nandyan pa phone nyo. Subukan nyo din baka maayos pa. Sayang din yan. Ok kasi yung camera ng Flare para sakin kesa sa Flare 2.0

Kung gusto nyo po i-try may separate blog post po ako para sa fix nito. CLICK HERE PO.

Post a Comment

Previous Post Next Post