Buhay "Ground Crew"

Buhay "Ground Crew"
Ni: Sharlyn J. Mandin
KLO-Station

"Nais mo bang malaman ang istorya sa likod ng aming mga tawa?"

Isa kami sa mga libo-libong empleyado
Syempre, sa Airport nagtatrabaho :)
Tagasalo ng mga reklamo
Ng mga nagagalit na pasahero.

Hindi naman namin kasalanan na ma-delay and flight ninyo
Kasi nga po, hindi naman kami mga piloto
Paalala, kami po as isang "ground crew"
Na nagmamalasakit din ng labis sa inyo.

Pero kahit ilang beses nyo kami murahin at sigawan,
Pipicturan, vivideohan, kukunan ng pangalan
Salamat, kayo ang sanhi ng aming kasikatan
Sa social media, kami ang pinag-uusapan.

Tao lang naman po kami kagaya ninyo
Nagiging manhid na nga, puso'y tila bato
Dahil kung didibdibin namin ang mga sasabihin ninyo
Delikado, baka kami ay masiraan ng ulo.

Mga tanong sa boarding gate ay paulit-ulit
Nakakapikon, pero bawal magalit
Minsan nakakapagod, kaya ngiti nalang ay pilit
Kailangan eh, bawal sumimangot sa mga pasaherong makukulit.

Palagi naming ipinagdarasal ang mga safety ninyo
Halos araw-araw sa simula na kami ay magtatrabaho
Pati bagahe na nawa ay makasama ninyo
Sa lugar na lalapagan ng sinasakyan ninyong eroplano

Ganun namin kamahal aming mga pasahero
Kapag may disruption extended din kami dahil sa inyo
Naaabutan ng madaling araw, nagpapakain sa inyo
Kahit kami rin ay gutom, ayos lang basta busog kayo

Nawa po sa makakabasa nito
Hiling ko ay maantig ang puso ninyo
Huwag kayong magalit saming mga ground crew kapag delayed and flights n'yo
Hindi po kami kalaban, magkakasama tayo :)

-end-


No hates po, just love :)
Advance Merry Christmas and Happy New Year to all!

Post a Comment

Previous Post Next Post