FineBlue Mini1 Wireless Bluetooth
Just picked up this earphone at LBC today. This is actually not mine. Hiniram ko lang para gawan ko ng review. So, when I received the package, it doesn't have its box. I don't know if it's just like that or if they have removed it. It was just wrapped in a bubble wrap.
The earphone is placed in a plastic case (Para syang singsing na nakalagay sa lalagyan nya. Yung pag may nagpopropose. Haha). The earphone itself is a bit bulky for me. I thought it was just like the size of an ordinary earphone but it's not. It's a bit bigger than the regular earphone. Siguro dahil sa battery nya kaya medyo bulky. Need ng space for the battery. Kasi pag sobrang liit naman, edi maliit din yung battery, so mabilis magdadrain pag ginamit. Inside it's case, there are no manuals whatsoever. So pag hindi pa po kayo nakagamit ng bluetooth earphones, headsets, or speakers before, medyo mahihirapan po kayo iconnect to sa phone nyo. Pero i-google nyo lang, makakahanap kayo instructions sa net.
For instruction on how to pair your bluetooth earphones, you may visit here.
Its the same with FineBlue Mate7 Bluetooth Headset :)
So, for the quality of the sound of this earphone, medyo hindi ko po nagustuhan.'Basag' po yung tunog na pinoproduce nya unlike nung Mate7. Yung Mate7, ganda ng quality. Masarap sa tenga. Pero etong Mini1, pangit ng sound quality nya.
Meron nga pala syang hook na nilalagay sa earphone para pag nilagay mo sa tenga mo, may hook sya para hindi mahulog. Dahil sa hook nya, medyo hindi intact sa tenga ko yung pagkakalagay nya kaya yun din siguro yung cause bakit pangit yung sound. Sinubukan ko itulak ng mabuti sa tenga ko yung earphone para bilog yung sound, medyo naging ok naman sya pero di pa rin ganun kaganda sa sound na pinoproduce ng Mate7.