-Hindi ko pa talaga masyadong naiintindihan lahat lahat. Madami pa rin akong tanong sa isip ko na wala pang mga sagot. So I will be updating this post from time to time :)
Basically, para makapagtrabaho sa Korea as Factory Worker, kailangan mong kumuha ng TOPIK o "Test of Proficiency in Korean" at makapasa. Ang sabi sa akin, kailangan marunong ka magbasa, magsulat ng Korean. So, para makapasa ka sa exam, kailangan mong mag-aral ng Korean Language. Pwede ka mag self study kung gusto mo at kung kaya mo. Karamihan, nag-aaral sa mga Korean Language Centers. Sila ay hindi agency na magrerecruit sa inyo para magtrabaho sa Korea. Sila ay parang school lang na nagtuturo ng Korean Language. Kaya wag nyong iisipin na scammer sila. Unless otherwise iba ang ipinangako sa inyo.
Nag self study lang ako dati nung College pa lang ako. Pero, hindi ako confident sa napag-aralan ko kaya nag-aral pa rin ako sa isang Korean Language Center dito sa amin sa Aklan. Ang dating pangalan ng center ay "Haengun" na ngayon ay pinalitan na ng "Mugonghwa". Marami na silang naturuan at ngayon ay nagtatrabaho na sa Korea. Hindi lang dito sa Aklan ang center nila. Meron din sila sa Roxas, Iloilo at General Santos. So kung sino ang may gustong kumuha ng exam sa mga lugar na ito, hanapin nyo lang ang Mugonghwa Korean Language Center at mag-enroll na kayo. The earlier the better para mas ma-master nyo ang Korean Language at siguradong makakapasa kayo.
That is also my goal. To pass the exam and to work in Korea. This year, 2019, ang exam ay naka schedule sa April 13-14, 2019. I only have more than a month to prepare and study. For those who are also taking the exam, good luck to us and together, let's reach for our dream!